Sinabi ng Department of Environment and Natural Resources na isang metro bawat araw ang pagbaba ng tubig sa Angat Dam at maaaring lumala pa ito sa kalagitnaan ng tag-init.
Ang Angat Dam ang siyang pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila at irigasyon ng Bulacan at Pampanga.
Tumindi ang problema sa kakulangan ng tubig dahil din sa serye ng baha at pagguho ng lupa na bumara at nagwasak sa tubong koneksiyon ng tubig sa Umiray patungo sa Angat Dam.
Inihayag ni Press Secretary Ignacio Bunye na pinulong na ni Pangulong Arroyo ang mga opisyal ng Laguna Lake Development Authority para sa proyektong paggamit ng tubig sa Laguna Lake bilang mapagkukunan ng dagdag na supply ng tubig para sa mga taga-Timog Katagalugan at ilang bahagi ng Muntinlupa City. (Ulat ni Lilia Tolentino)