'Wag umasa sa Amerika'
March 11, 2005 | 12:00am
Hinikayat ngayon ng mga lider sa Kamara ang pamahalaan na palakasin pa ang pakikipag-relasyon nito sa ibang bansa para sa kapakinabangan ng Pilipinas.
Sa pinagsamang pahayag, sinabi nina House committee on interparliamentary relations services chairperson Lorna Silverio at Majority Leader Prospero Nograles na hindi lamang dapat umasa ang Pilipinas sa Amerika sa mga tulong pinansiyal sa harap ng ginagawang panggigipit ng Washington sa Maynila.
Anila, magandang balita ang inihayag ni French Minister for Foreign Trade Francols Loos na patuloy ang kumpiyansa ng kanilang mga negosyante sa Pilipinas sa harap ng mga problema ng bansa.
Naniniwala pa si Silverio na ang pagtitiwalang ibinigay ng mga negosyanteng Pranses sa Pilipinas ay magbibigay ng lalo pang pang-eenganyo sa mga European investor na maglagak ng puhunan sa bansa.
Hiniling din nito sa pamahalaang Arroyo na ipagpatuloy pa ang pagpapalakas sa pang-ekonomiyang relasyon ng Pilipinas sa iba pang bansa, hindi lamang sa Amerika.
Sinabi naman ni Nograles na maganda ang hinaharap ng Pilipinas matapos ang pagbubukas ng mga bagong kasunduan mula sa kaibigang bansa sa Asya at Europa. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am