Ayon kay Suarez, ang appointment ni Robles ay paglabag sa Charter ng LRTA na nagsasaad na ang LRTA Administrator ay kinakailangan may karanasan sa transportasyon at may kaalaman sa management, finance at operation nito. Si Robles ay Choir Director at spokesperson ng El Shaddai bago ito naitalaga bilang LRTA Administrator.
Sinabi ni Suarez na ang kawalan ng karahasan at unqualified ni Robles ay posibleng umanong magdulot ng panganib hindi lamang ng milyong pasahero ng LRT kundi maging sa kita ng pamahalaan bunga ng mismanagement.
Bukod dito, pinagbabakasyon din ni Suarez ang buong LRTA Board habang wala pang resulta ang imbestigasyon ng Ombudsman. Ang board ay kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa NEDA, DPWH, MMDA, DBM, DOF at LTFRB. (Ulat ni Doris Franche)