^

Bansa

Pagtatalaga kay Robles sa LRTA kinuwestiyon

-
Nanawagan si Congressman Danilo Suarez, Chairman ng Oversight Committee sa Malakanyang na muling pag-aralan ang appointment ni LRTA Administrator Mel Robles at ang anomalya hinggil sa pag-award ng P8 bilyon LRT Line 1 Capex Project.

Ayon kay Suarez, ang appointment ni Robles ay paglabag sa Charter ng LRTA na nagsasaad na ang LRTA Administrator ay kinakailangan may karanasan sa transportasyon at may kaalaman sa management, finance at operation nito. Si Robles ay Choir Director at spokesperson ng El Shaddai bago ito naitalaga bilang LRTA Administrator.

Sinabi ni Suarez na ang kawalan ng karahasan at unqualified ni Robles ay posibleng umanong magdulot ng panganib hindi lamang ng milyong pasahero ng LRT kundi maging sa kita ng pamahalaan bunga ng mismanagement.

Bukod dito, pinagbabakasyon din ni Suarez ang buong LRTA Board habang wala pang resulta ang imbestigasyon ng Ombudsman. Ang board ay kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa NEDA, DPWH, MMDA, DBM, DOF at LTFRB. (Ulat ni Doris Franche)

ADMINISTRATOR MEL ROBLES

AYON

CAPEX PROJECT

CHOIR DIRECTOR

CONGRESSMAN DANILO SUAREZ

DORIS FRANCHE

EL SHADDAI

OVERSIGHT COMMITTEE

SI ROBLES

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with