Sekyu nagnakaw ng $50 sa NAIA sibak
March 10, 2005 | 12:00am
Isang sekyu ng Philippine Aviation Security Services Corp. (PASSCOR) sa Ninoy Aquino International Airport ang sinampahan ng kasong qualified theft ng PNP-Aviation Security Group (ASG) matapos siyang ireklamo ng isang outgoing passenger dahil sa pagnanakaw ng pera.
Kinilala ni Chief/Supt. Andrez Caro, II, director ng PNP-ASG ang suspect na si Jone Martinez, security guard ng Passcor at nakatalagang baggage feeder sa Gate 16 ng departure area.
Ang pasaherong nagreklamo ay si Teddy Lorenzo David, ng Guevenville II, Libertad Street, Mandaluyong City.
Ayon sa kuwento ni David, bandang alas-10:15 ng gabi noong Martes nakapila siya patungo sa x-ray machine ng Gate 16, ng sitahin siya umano ni Martinez na ilagay ang lahat ng kanyang gamit sa tray at ipasok sa x-ray machine bilang bahagi ng security procedure.
Nang kunin ni David ang kanyang mga gamit napansin kaagad niya na bahagyang nakabukas ang kanyang pitaka, para makatiyak tiningnan ni David ang laman nito at nalaman niyang nawawala ang isang pirasong US$50 o P2,500.
Kinompronta ni David si Martinez pero itinanggi ng huli na kinuha niya.
Nagsumbong si David kay Sr. Inspector Abapito Ebuen ng PNP-ASG pero mabilis na binunot ng suspek ang pera sa kanyang bulsa at saka iniabot sa biktima.
Sa komprontasyon sinabi ni Martinez na talagang isasauli naman nito ang pera na umanoy nahulog nang bumaliktad ang tray sa loob ng x-ray machine pero hindi kinagat ng mga pulis ang alibi ng una kaya sinampahan siya ng kasong pagnanakaw sa Fiscals Office. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
13 hours ago
Recommended