^

Bansa

30 bata patay sa cassava

-
Tatlumpong estudyante ang kumpirmadong nalason sa pagkain ng kamoteng-kahoy habang mahigit 50 iba pa kabilang ang vendor ng cassava ay isinugod sa ospital kahapon sa Mabini, Bohol.

Ayon sa ulat, bumili ng kakaning mula sa kamoteng-kahoy ang mga estudyante nang mag-recess ang mga ito bandang alas-11:45 ng umaga kahapon sa isang vendor sa labas ng San Jose Elementary School sa Mabini, Bohol.

Biglang sumama ang pakiramdam, matapos silang kumain ng kakanin, ang may 150 mag-aaral kaya dali-daling isinugod ang mga ito sa iba’t ibang pagamutan sa nasabing lalawigan.

Ang 30 estudyanteng ito na mula grade 1 hanggang grade 6 na nakakain ng nasabing kamoteng-kahoy na pitsi-pitsi, maruya at ice candy na bitter-type at posibleng nagtataglay ng hydrocyanide acid ay agad binawian ng buhay habang nasa malubhang kalagayan naman ang mahigit 50 iba pa kabilang ang vendor ng kamoteng-kahoy.

Labing-apat ang nasawi sa clinic habang 13 ang dead on arrival naman sa Don Aguinaldo hospital at ang 3 ay namatay habang dinadala sa pagamutan.

Hiniling agad ni Mabini Mayor Stephen Ranchez na i-preserve ang natitirang mga panindang kamoteng-kahoy na siyang nakalason sa mga mag-aaral upang masuri ito ng mga eksperto partikular mula sa Department of Health at Bureau of Food and Drugs (BFAD).

Aniya, posibleng ang mga kamoteng-kahoy na ito ay naitamin sa isang industrial site na kontaminado ng mga nakakalasong kemikal na humalo dito.

Iimbestigahan ng mga awtoridad ang natitirang mga kakaning kamoteng-kahoy upang alamin kung ano ang tunay na dahilan ng pagkalason ng mga batang mag-aaral. (Ulat nina Joy Cantos at Rudy Andal)

vuukle comment

BOHOL

DEPARTMENT OF HEALTH

DON AGUINALDO

JOY CANTOS

KAHOY

KAMOTENG

MABINI

MABINI MAYOR STEPHEN RANCHEZ

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with