^

Bansa

Pekeng gamot, vitamins nagkalat

-
Hindi dapat mabili ng mga consumers ang mga pekeng bitamina at gamot para sa mga bata.

Ito ang iginiit kahapon ng mga mambabatas kasabay ang pahayag nang pagka-alarma sa kumakalat na mga pekeng gamot.

Ayon kay Pangasinan Rep. Generoso Tulagan, dapat doblehin ng mga concerned government agencies ang kanilang trabaho para masiguro na hindi mabibili ng consumers ang mga pekeng gamot na ito.

Batay sa nakalap na datos ng Bureau of Food and Drugs, sinabi ni Tulagan na kabilang sa listahan ng mga gamot na pinepeke ay ang Appetence Tablet, Ponstans capsule, Mosegor Vita tablet, Augmetin Injection, Decilone-Forte tablet, Fortum injection, Propan with iron capsule, Voltaren SR tablet, Inoflox capsule at Verorab injection.

Maging ang mga gamot sa anti-hypertensive tulad ng Adalat Gits 30mg ay napepeke rin, ang anti-asthma na Ventolin expexctorant syrup; anti-diarrhea na Diatabs repormolated, vitamin na Ceelin 100 mg/5ml syrup, Enervon C at Iberet 500 na pawang pinepeke at ibinebenta pa sa Ilocos Region.

Ayon sa mambabatas ang pagbibigay proteksyon sa mga mamimili ang dapat unahin ng gobyerno sa ngayon dahil sa peligro sa buhay ng mga tao na makakainom ng mga gamot.

Ilan sa mga pekeng gamot tulad ng vaccine ay gawa lamang sa tap water, contraceptive pills at viagra na gawa sa arina, antibiotic, pain reliever, herat medicine, multivitamins at dietary supplements na gawa sa dinurog na pinulbos na luma at expired na gamot.

Sinabi ni Tulagan na dapat magsagawa ang DOH ng information campaign upang matulungan ang publiko lalung-lalo na sa mga naninirahan sa malalayong lugar na madetermin kung peke o tunay ang isang gamot. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ADALAT GITS

APPETENCE TABLET

AUGMETIN INJECTION

AYON

ENERVON C

GAMOT

GENEROSO TULAGAN

ILOCOS REGION

MALOU RONGALERIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with