^

Bansa

Abortion isinisi sa Simbahan

-
Sinisi kahapon ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development Foundation Inc. (PLCPD) sa Simbahan ang nagaganap na 1,096 abortions araw-araw dahil sa patuloy ng pagtutol nito sa The Responsible Parenthood and Population Management Act of 2005.

Ayon sa PLCPD, mayroong 10 ina ang namamatay habang 16 na babae at 12 kabataan ang inaabuso araw-araw dahil sa kawalan ng reproductive health program at services ng gobyerno.

Batay pa sa ulat ng PLCPD, sa bawat 1,000 buntis ay 17 sanggol ang namamatay bago maipanganak habang 29 sanggol naman ang hindi umaabot sa edad na isang taon at 42 bata ang namamatay bago sumapit ng 5 taon dahil sa sakit.

Anila, ang solusyon sa problemang ito ay ang pagpasa sa house bill 3773 o The Responsable Parenthood and Population Management Act.

Sabi pa ng PLCPD, sa bawat araw na hindi naipapasa ang nasabing panukalang batas ay libu-libong buhay ang nalalagay sa peligro dahil sa kawalan ng programa at serbisyong medikal sa mga ito.

Anila, kailangang magkaroon ng batas para sa reproductive health na magbibigay ng proteksyon at promosyon sa karapatan ng mga kababaihan upang magdesisyon para sa kanilang sarili ukol sa fertility at pagkakaroon ng age-specific education sa reproductive health na siyang napagkasunduan sa isinagawang conference ng United Nations may sampung taon na ang nakakaraan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ANILA

AYON

BATAY

MALOU RONGALERIOS

PHILIPPINE LEGISLATORS

POPULATION AND DEVELOPMENT FOUNDATION INC

RESPONSABLE PARENTHOOD AND POPULATION MANAGEMENT ACT

RESPONSIBLE PARENTHOOD AND POPULATION MANAGEMENT ACT

SABI

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with