4-day work week, niluluto na sa Kamara
March 7, 2005 | 12:00am
Tinalakay na ng House Committee on labor and employment ang panukalang "staggered working hour" na naglalayong paikliin ang araw na ipinapasok ng isang empleyado sa loob ng isang linggo upang mas magkaroon ng panahon sa kanilang pamilya.
Layunin ng House Bill 1507 na inihain ni Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali na gawing apat na araw na lamang ang pasok sa mga opisina pero mananatili ang 40-work hour period.
Sa ibang tanggapan, ang nasabing scheme ay tinatawag na compressed work week (CWW).
Tinalakay din ng komite ang Department Advisory No. 02 ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ipinalabas noong Disyembre 2, 2004 kung saan pinapayagan ang mga employers at employee na magkaroon ng sariling CWW scheme.
Ipinaliwanag ni Umali na bagamat paiikliin ang araw ng trabaho sa isang linggo, mananatili pa ring 40-oras ang ipapasok sa mga opisina dahil gagawin lamang na mas maaga ang pasok at late ang uwi ng mga empleyado.
Sa kasalukuyan, ginagamit na ng CWW sa House of Representatives kung saan 4-days na lamang ang ipinapasok ng mga empleyado pero humaba ang oras ng ipinapasok nila sa isang araw.
"The reduction in the number of working days could also translate to savings in terms of transportation and food costs," paliwanag ni Umali.
Ayon naman kina Anakpawis Rep. Crispin Beltran at Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, dapat tingnan ng DOLE ang ipatutupad na scheme upang masigurong hindi maaabuso ang mga empleyado. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest