Ang nasabing pagka-antala sa capacity expansion program ay nabunyag sa pinakahuling pagdinig ng House committee on railways and RO-RO.
Dapat din aniyang tingnan ng komite kung sino ang dapat managot sa mga opisyal ng LRTA at Department of Transportation and Communications (DOTC) sa nangyaring pagka-antala ng proyekto.
"It has become imperative that a through probe be undertaken into the culpability of the bidding committee and certain DOTC and LRTA officials in stopping the bidding process," ani Garin.
Kuwestiyonable rin aniya ang hindi pagpapalabas ng "Notice-to-Proceed" (NTP) sa nanalong bidder kahit mayroon ng nilagdaang kontrata para sa expansion project.
Naniniwala si Garin na hindi lamang ang gobyerno ang makikinabang kung masisimulan ang proyekto kundi maging ang mga mamamayang sumasakay sa LRT. (Malou Rongalerios)