^

Bansa

Pamilya ng OPA's lulusob sa Japan Embassy

-
Libu-libong pamilya ng mga Overseas Performing Artists (OPAs) ang nakatakdang sumugod sa Embahada ng Japan, Department of Foreign Affairs at Department of Labor and Employment (DOLE) sa Marso 10, upang iprotesta ang nakatakdang pagpapatupad ng bagong Immigration Law ng bansang Japan.

Nabatid na ang grupong OPA Koalisyon ang siyang mangunguna sa isasagawang mass action na dadaluhan ng lahat ng stakeholders sa industriya ng overseas entertainment.

Ang malaking rally ay nagbabadya na marami pang darating na demonstrasyon laban sa mahigpit na Japan immigration requirements na tanging mga nakatapos lang ng 2-taong kurso sa performing arts o may 2-years experience as a performer mula sa kilalang mga performance venues ang maaaring mabigyan ng artist visa para magtrabaho sa nasabing bansa.

Ayon kay Alex Capella, secretary general ng OPA Koalisyon, may 80,000 OPAs ang nanganganib mawalan ng trabaho kung kaya hindi sila titigil sa pagsasagawa ng mass action hangga’t walang malinaw na sistema ang gobyerno kung paano patakbuhin ang industriya sa ilalim ng bagong batas.

Hiniling din ng grupo na muling buksan ang isang high-level talks sa pagitan ni Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo at ng kanyang counterpart na si Nobutaka Machimura ng Japan’s Ministry of Foreign Affairs, upang hilingin sa huli na bigyan ng konsiderasyon ang kasalukuyang sitwasyon ng mga OPAs.

Sinabi pa ni Capellan na may 500,000 pamilya ang nanganganib magutom kung mawawalan ng trabaho ang mga OPAs. (Ulat ni Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALEX CAPELLA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERTO ROMULO

IMMIGRATION LAW

KOALISYON

LUDY BERMUDO

MINISTRY OF FOREIGN AFFAIRS

NOBUTAKA MACHIMURA

OVERSEAS PERFORMING ARTISTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with