Deportation sa illegal Pinoys sa UAE, nakaamba
March 6, 2005 | 12:00am
Matapos ang pagpapauwi sa mga illegal migrants sa Malaysia, nanganganib naman ngayon ang libu-libong illegal Pinoy workers sa Gitnang Silangan na mawalan ng trabaho at mapa-deport pabalik sa Pilipinas.
Ito ay makaraang ideklara ng gobyerno ng United Arab Emirates (UAE) na matatapos na ang amnesty program nito laban sa mga illegal foreign workers kabilang ang mga Pinoy na nagtatrabaho at naninirahan sa naturang bansa.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Acting Sec. Manuel Imson, mas magiging mahigpit ang gobyerno ng UAE laban sa mga illegal migrants dahil maging ang mga mamamayan nito ay hihikayatin na ireport ang mga illegal foreign workers na nananatili doon.
Sa talaan ng DOLE, umaabot sa 68,386 OFWs ang nagtatrabaho at naninirahan sa UAE. Di pa kabilang dito ang mga illegal migrants.
Papatawan ng mataas na parusa ng Saudi government ang sinumang magkakanlong sa mga illegal migrants.
"It is very important for a country to end the problem of illegal immigrants to ensure security and stability. This can only be achieved with the full participation and support of the general public," ani UAE Major General Khafali Hareb Al Khelli.
Sinabi pa ni Imson na target ng nasabing kampanya na suyurin ang mga mangggagawang tumakas sa kanilang employers, overstaying alien at mga manggagawang walang working visa.
Bunga nitoy nananawagan ang DOLE sa mga Pinoy workers na may kaanak sa UAE na pauwiin na ang mga ito bago pa man tuluyang matapos ang nasabing amnesty program. (Ulat ni Grace Amargo-Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 23 hours ago
By Doris Franche-Borja | 23 hours ago
By Ludy Bermudo | 23 hours ago
Recommended