Nabatid na ang grupong OPA Koalisyon ang siyang mangunguna sa isasagawang mass action na dadaluhan ng lahat ng stakeholders sa industriya ng overseas entertainment.
Ang malaking rally ay nagbabadya na marami pang darating na demonstrasyon laban sa mahigpit na Japan immigration requirements na tanging mga nakatapos lang ng 2-taong kurso sa performing arts o may 2-years experience as a performer mula sa kilalang mga performance venues ang maaaring mabigyan ng artist visa para magtrabaho sa nasabing bansa.
Ayon kay Alex Capella, secretary general ng OPA Koalisyon, may 80,000 OPAs ang nanganganib mawalan ng trabaho kung kaya hindi sila titigil sa pagsasagawa ng mass action hanggat walang malinaw na sistema ang gobyerno kung paano patakbuhin ang industriya sa ilalim ng bagong batas.
Hiniling din ng grupo na muling buksan ang isang high-level talks sa pagitan ni Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo at ng kanyang counterpart na si Nobutaka Machimura ng Japans Ministry of Foreign Affairs, upang hilingin sa huli na bigyan ng konsiderasyon ang kasalukuyang sitwasyon ng mga OPAs.
Sinabi pa ni Capellan na may 500,000 pamilya ang nanganganib magutom kung mawawalan ng trabaho ang mga OPAs. (Ulat ni Ludy Bermudo)