Malakas ang kutob ni Pimentel na ang pag-resign ni Lorenzo sa mga naturang puwesto ay resulta ng kanyang banta na maaaring masampahan ng impeachment ang Pangulo dahil sa pagtatalaga nito sa kalihim.
Sa talumpati ni Pimentel sa isang pagtitipon sa Philippine Constitution Association noong Peb. 8, inilahad ng opposition solon ang tatlong ground ng paglabag sa Konstitusyon ng Pangulo na maaaring gawing basehan sa paghahain ng impechment. Isa na rito ang illegal na appointment ni Lorenzo bilang chair ng LBP at Quedancor dahil ang kalihim ng Department of Finance lamang ang maaari aniyang umupo bilang chair ng board of directors ng LBP habang ang Agriculture secretary ang tanging magiging chairman ng Quedancor.
Ginawa umano ng Malacañang ang damage control na ito matapos pagsabihan ni Senate President Franklin Drilon na gumawa ng corrective measures. (Rudy Andal)