^

Bansa

‘Pagbibitiw ni Lorenzo kagagawan ni GMA’

-
Naniniwala si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel na may kinalaman si Pangulong Gloria Arroyo sa pagbibitiw ni dating Sec. Luis Lorenzo bilang chairman ng Land Bank of the Philippines at Quedancor upang makaiwas sa impeachment case na maaaring isampa dahil sa umano’y illegal nitong appointment.

Malakas ang kutob ni Pimentel na ang pag-resign ni Lorenzo sa mga naturang puwesto ay resulta ng kanyang banta na maaaring masampahan ng impeachment ang Pangulo dahil sa pagtatalaga nito sa kalihim.

Sa talumpati ni Pimentel sa isang pagtitipon sa Philippine Constitution Association noong Peb. 8, inilahad ng opposition solon ang tatlong ground ng paglabag sa Konstitusyon ng Pangulo na maaaring gawing basehan sa paghahain ng impechment. Isa na rito ang illegal na appointment ni Lorenzo bilang chair ng LBP at Quedancor dahil ang kalihim ng Department of Finance lamang ang maaari aniyang umupo bilang chair ng board of directors ng LBP habang ang Agriculture secretary ang tanging magiging chairman ng Quedancor.

Ginawa umano ng Malacañang ang damage control na ito matapos pagsabihan ni Senate President Franklin Drilon na gumawa ng corrective measures. (Rudy Andal)

DEPARTMENT OF FINANCE

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

LORENZO

LUIS LORENZO

PANGULO

PANGULONG GLORIA ARROYO

PHILIPPINE CONSTITUTION ASSOCIATION

QUEDANCOR

RUDY ANDAL

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PIMENTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with