^

Bansa

Pinoy na nasawi sa Saudi dumating na

-
Dumating na kahapon ang technician na Overseas Filipino Worker (OFW) na si Suelito Leong na nasawi sa isang vehicular accident sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia noong nakalipas na buwan.

Agad ding dinala sa bayan nito sa Digos, Davao del Sur ang mga labi ng 41-anyos na OFW na inasistehan ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) southern Mindanao chief Zenovia Caro.

Sinabi ni Caro na kailangang maibigay pa ang mga kakailanganing dokumento ng pamilya Leong bago mai-facilitate ang insurance claims nito.

Magugunita na noong Enero 27 ay minalas na maaksidente si Leong habang nagde-deliver ito ng mga kagamitan mula sa kanyang pinapasukang Detecon Al-Saudia sa Riyadh. Unang inireport na nawawala si Leong at hininalang kinidnap subalit makaraan ang ilang araw na paghahanap ay nakita ito sa isang ospital at wala nang buhay. (Edith Regalado/Grace A. dela Cruz)

CARO

DETECON AL-SAUDIA

EDITH REGALADO

GRACE A

KINGDOM OF SAUDI ARABIA

LEONG

OVERSEAS FILIPINO WORKER

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

RIYADH

SUELITO LEONG

ZENOVIA CARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with