Ito ang ibinunyag kahapon ni Tarlac Rep. Jesli Lapus, chairman ng komite sa harap nang maling impormasyon na middle class ang tatamaan ng dagdag na VAT.
Posible aniyang gawin na lamang na 6% mula sa kasalukuyang 10% ang sisingiling VAT sa sardines, mackarel, tuna, tinapay at noodles.
Maaari rin aniyang ipatupad ng Kongreso ang mababang VAT para naman sa mga power generation at produktong petrolyo.
Ibinatay ang panukalang pababain sa 6% ang VAT sa ginawang pagtataya ng Department of Finance (DOF) na aabot lamang sa 2.6% para sa mga industrial user ng kuryente at 3.2% sa mga residential ang gastos sa kuryente kung 6% lamang ang sisingiling VAT sa halip na 12%.
Nauna rito, tiniyak ni Majority Leader Prospero Nograles at ilang mambabatas na hindi papayag ang Kamara na ipasa sa mahihirap at sa mga middle class ang bigat ng dagdag na singil ng buwis.