Overpricing ng North Rail imbestigahan- Biazon
February 13, 2005 | 12:00am
Inirekomenda ni Senador Rodolfo Biazon sa Senate blue ribbon committee na imbestigahan ang overpricing sa P27 bilyon North Rail Project kung saan sumawsaw umano ang ilang pulitiko sa bansa bilang "komisyuners" sa naturang proyekto.
Ito ang naging aksiyon ni Biazon matapos maungkat ang pangalan nina House Speaker Jose de Venecia Jr. at ni Pangulong Arroyo sa isinagawang imbestigasyon ng Senate committee on housing, urban planning and development hinggil sa naturang proyekto.
Dahil ang aspeto lamang ng housing ang iniimbestigahan ng komite ni Biazon, nagdesisyon itong ipasa ang responsibilidad sa komite ni Senador Joker Arroyo hinggil naman sa sinasabing overpricing ng naturang proyekto.
Subalit kahit na maisakatuparan ng Senate blue ribbon committee ang imbestigasyon sa nasabing isyu, hindi naman mapapaharap ng komite si de Venecia dahil sa umiiral na interparliamentary courtesy ng Kamara at Senado.
Kinuwestiyon naman kahapon ni Senador Aquilino Pimentel Jr. ang naging desisyon ni Biazon na ipasa sa blue ribbon ang isyu ng overpricing sa North Rail Project.
"Puwede naman siya ang mag-imbestiga niyon, bakit pa niya ipapasa sa blue ribbon," sabi ng senador.
Ipinahayag din ni Pimentel ang kanyang pagkabuwisit sa naging desisyon ni Biazon na magpatawag ng maraming resource person sa hearing noong Biyernes dahil sa nagpapabagal umano ito sa proseso ng imbestigasyon ng komite. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 7 minutes ago
By Doris Franche-Borja | 7 minutes ago
By Ludy Bermudo | 7 minutes ago
Recommended