P160-M 'dinugas' sa Nat'l Printing Office
February 9, 2005 | 12:00am
Nanawagan kahapon ang ilang concerned employees ng National Printing Office (NPO) sa Ombudsman at Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) na imbestigahan ang talamak na overpricing at kawalan ng bidding sa mga transaksyon sa nasabing ahensiya na naging dahilan ng pagkalugi ng P160 milyon ng gobyerno.
Tumanggap ng reklamo ang PSN mula sa mga empleyado ng NPO tungkol sa umanoy 171 porsiyentong overpricing ng mga materyales at supplies ng NPO na pinaniniwalaang may basbas ng mga opisyales nito.
Nabigong makunan naman ng panig ang OIC ng NPO na si Ronald Velasco hinggil sa naging alegasyon ng mga empleyado.
Sinabi ng mga empleyado, ang katwiran ni Velasco sa kawalan ng public bidding sa mga transaksyon ay dahil sa emergency cases at urgency.
Kinuwestiyon din ang pagtatalaga kay Velasco dahil kapatid ito ni Public Information Agency director Rene Velasco na maliwanag na nepotismo dahil ang NPO ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng PIA.
Sa kabila na nahatulang guilty sa simple misconduct si Velasco na may katapat na parusang 1 buwang suspensyon ay hindi nilalapatan ito ng kaparusahan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended