Erap isinugod sa ospital
February 9, 2005 | 12:00am
Isinugod kahapon sa Cardinal Santos hospital si dating Pangulong Erap Estrada dahil sa inaapoy ito ng lagnat bukod sa nahirapang huminga habang nasa rest house sa Tanay, Rizal.
Kinailangang isakay sa helicopter ang dating Pangulo upang madali itong madala sa ospital sa Greenhills, San Juan.
Nagkaroon ng pulmonya si Erap na karaniwang nararanasan ng mga sumasailalim sa operasyon.
Inoperahan sa tuhod si Erap sa Hong Kong Adventist hospital noong Disyembre at pag-uwi nito sa bansa ay idineretso sa Tanay sa kabila ng apelang ilagay siya sa hospital arrest habang sumasailalim sa therapy.
Pinayagan naman ni Sandiganbayan Sheriff Ed Urieta ang paglilipat sa dating Pangulo sa pagamutan dahil emergency case ito.
Samantala, sinabi naman ni Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye na hindi pagbibigay ng VIP treatment ang pagpapahintulot kay Erap na maisugod sa ospital.
Wika pa ni Bunye, bahagi lamang ito ng makataong trato sa dating Pangulo ng bansa na nangangailangang malapatan ng lunas ang kanyang karamdaman. (Ulat nina Lilia Tolentino/Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am