^

Bansa

AFP vs MNLF: 47 patay

-
Umabot sa 47 ang nasawi habang mahigit sa 33 ang nasugatan sa ikalawang araw ng sagupaan ng magkasanib na puwersa ng Misuari Breakaway Group (MBG) at Abu Sayyaf Group (ASG) laban sa militar sa lalawigan ng Sulu.

Sinabi ni Brig. Gen. Agustin Demaala, Joint Task Force Comet commander, umabot na sa 30 rebeldeng Muslim ang napaslang habang 17 sundalo naman ang nasawi sa ikalawang araw ng sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde sa Seit Lake sa Panamao, Sulu.

Kamakalawa ay tinambangan ng mga taga-suporta ni dating ARMM Gov. Nur Misuari kasama ang ASG ang isang platoon ng Marine Batallion Landing Team na lulan ng 6 x 6 trak sa Sityo Wani, Barangay Pansul, Patikul, Sulu kung saan ay pitong sundalo ang nasawi habang 12 ang nasugatan.

Nabatid sa ulat na naglunsad ng malawakang pag-atake ang tagasuporta ni Misuari kasanib ang ASG laban sa tropang militar sa iba’t ibang lugar sa Sulu bilang paghiganti sa patuloy na pagtutol ng pamahalaan na litisin ang kanilang lider sa Sulu.

Kasalukuyang nakakulong si Misuari sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna kung saan ay nililitis ang kasong rebelyon nito. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

AGUSTIN DEMAALA

BARANGAY PANSUL

FORT STO

JOINT TASK FORCE COMET

JOY CANTOS

MARINE BATALLION LANDING TEAM

MISUARI

MISUARI BREAKAWAY GROUP

NUR MISUARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with