Gen. Razon inendorso ni Aglipay bilang bagong PNP chief
February 6, 2005 | 12:00am
Pormal nang inihayag ni Philippine National Police chief Dir. Gen. Edgar Aglipay ang kanyang napipisil na opisyal na papalit sa kanyang puwesto matapos na iendorso nito si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Dep. Dir. Gen. Avelino "Sonny" Razon habang isinasagawa ang Chinese New Year celebration sa Emperor Villa restaurant sa Ongpin St., Binondo, Manila noong Huwebes.
Masigabo namang tinanggap at nagpalakpakan ang mga Tsinoy sa pangunguna ni James Dy ng Chinese General Chamber of Commerce nang ianunsyo ni Aglipay ang kanyang "manok" bilang bagong PNP chief matapos ang kanyang pagreretiro sa Marso bagaman may mga mas senior pa kay Razon.
Si Aglipay ang nagsilbing guest of honor sa selebrasyon na dinaluhan din nina Razon, Western Police District director Chief Supt. Pedro Bulaong at ibang mga matataas na opisyal.
"I am deeply humbled by the endorsement of my CPNP and the show of confidence by the Chinese community. I take this as a challenge to be evermore vigilant in the campaign of ridding the streets of the NCR of all types of crime and continuing with the reforms being asked by no less than the President of the Republic. However the choice of CPNP is always the prerogative of the President," ani Razon. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 13 hours ago
By Doris Franche-Borja | 13 hours ago
By Ludy Bermudo | 13 hours ago
Recommended