Hindi pinayagan ang mga jeepney drivers na makapasok sa Arligue Entry Gate at hanggang sa Techological Institue of the Philippines lamang ang mga ito dahil sa binago na umano ng MMDA ang kanilang ruta.
Ayon sa driver na si William Alutang, walang pasabi ang MMDA at hindi rin ikinunsulta sa mga residente malapit sa Palasyo ang bago nitong patakaran.
Hindi lang mga residente na papasok sa Malacañang Complex ang apektado ng bagong regulasyon kundi maging ang mga taong mayroong transaksyon sa Office of the President, Malacañang Press Office, mga nagsisimba sa St. Jude at San Miguel Church, mga naglalakad ng kanilang dokumento sa authentication office, kagawad ng media na walang sariling sasakyan at mga empleyado sa loob ng Malacañang.
Sinabi ni Alutang na hindi na rin sila pinapayagang makapag-renew ng car pass na nagkakahalaga ng P125 na nawalang bisa noong Enero 7,2005. (Ulat ni Lilia Tolentino)