^

Bansa

Bagong ruta ng MMDA perwisyo sa Malacañang

-
Nagprotesta sa pamamagitan ng pag-iingay ang may 83 miyembro g San Miguel Toda, isang organisasyon ng mga jeepney drivers na nagbibiyahe patungong San Miguel Church at Malacañang matapos pigilin silang makapasok sa kanilang ruta ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na nangangalaga sa seguridad ng Palasyo kahapon ng umaga dahil na rin sa bagong pinaiiral na patakaran ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Hindi pinayagan ang mga jeepney drivers na makapasok sa Arligue Entry Gate at hanggang sa Techological Institue of the Philippines lamang ang mga ito dahil sa binago na umano ng MMDA ang kanilang ruta.

Ayon sa driver na si William Alutang, walang pasabi ang MMDA at hindi rin ikinunsulta sa mga residente malapit sa Palasyo ang bago nitong patakaran.

Hindi lang mga residente na papasok sa Malacañang Complex ang apektado ng bagong regulasyon kundi maging ang mga taong mayroong transaksyon sa Office of the President, Malacañang Press Office, mga nagsisimba sa St. Jude at San Miguel Church, mga naglalakad ng kanilang dokumento sa authentication office, kagawad ng media na walang sariling sasakyan at mga empleyado sa loob ng Malacañang.

Sinabi ni Alutang na hindi na rin sila pinapayagang makapag-renew ng car pass na nagkakahalaga ng P125 na nawalang bisa noong Enero 7,2005. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ARLIGUE ENTRY GATE

LILIA TOLENTINO

MALACA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

OFFICE OF THE PRESIDENT

PALASYO

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

PRESS OFFICE

SAN MIGUEL CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with