^

Bansa

Pamilyang Tarongoy humingi ng dasal

-
Dumulog kahapon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pamilya ni Roberto Tarongoy upang humingi ng panalangin para sa agarang pagpapalaya sa Pinoy OFW’s na hanggang ngayon ay bihag sa Iraq.

Sa isang liham sa CBCP, hiniling ng pamilya Tarongoy na ilakip sa panalangin sa lahat ng Simbahang Katoliko ang kaligtasan ng bihag na OFW sa Iraq.

Nakalakip din sa liham kay CBCP president Fernando Capalla ang buong panalangin ng Episcopal Commission on Liturgy para sa mabilis na paglaya ni Tarongoy mula sa kanyang mga abductors sa Iraq.

Nakiusap din ang pinuno ng CBCP sa lahat ng pari na ilakip ang nasabing panalangin sa tuwing magdaraos ng misa hanggang hindi pa nakakalaya si Tarongoy.

Umaasa ang pamilya ng dinukot na OFW na sa pamamagitan na lamang ng panalangin ang kanilang pag-asa upang makauwi ng ligtas si Bobby matapos itong dukutin ng mga Iraqi militants. (Ulat ni Gemma Garcia)

vuukle comment

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DUMULOG

EPISCOPAL COMMISSION

FERNANDO CAPALLA

GEMMA GARCIA

NAKALAKIP

NAKIUSAP

ROBERTO TARONGOY

SIMBAHANG KATOLIKO

TARONGOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with