Ayon kay State Prosecutor Irwin Maraya, gumawa ng waiver si Soriano kung saan sinasabing handa siyang makulong habang nakabitin ang kanyang kaso sa prosekusyon.
"He also asked for a preliminary investigation before the DOJ rather than allowing himself to be immediately indicted in court via preliminary inquest," wika pa ni Maraya.
Aniya, kailangang dinggin muna ang kasong kidnapping ni Soriano sa DOJ upang madetermina kung may probable cause bago isampa sa korte ang kaso.
Personal na hiniling ng mga abugado ni Soriano na sina Atty. Guillermo Hernandez Jr. at Atty. Renato Samonte sa DOJ na isailalim agad sa preliminary investigation ang kanilang kliyente kaya itinakda ang unang pagdinig sa kaso nito sa Pebrero 8.
Magugunita na naaresto ng pulisya si Soriano sa isang entrapment operations sa Quezon City. (Ulat ni Ellen Fernando)