^

Bansa

Ex-NBI agent Soriano, di pa makakasuhan ng kidnapping

-
Hindi pa makakasuhan ng Department of Justice (DOJ) sa korte ang dating NBI agent na si Martin Soriano ng kidnapping dahil sa ginawa nitong ‘waiver’.

Ayon kay State Prosecutor Irwin Maraya, gumawa ng waiver si Soriano kung saan sinasabing handa siyang makulong habang nakabitin ang kanyang kaso sa prosekusyon.

"He also asked for a preliminary investigation before the DOJ rather than allowing himself to be immediately indicted in court via preliminary inquest," wika pa ni Maraya.

Aniya, kailangang dinggin muna ang kasong kidnapping ni Soriano sa DOJ upang madetermina kung may ‘probable cause’ bago isampa sa korte ang kaso.

Personal na hiniling ng mga abugado ni Soriano na sina Atty. Guillermo Hernandez Jr. at Atty. Renato Samonte sa DOJ na isailalim agad sa preliminary investigation ang kanilang kliyente kaya itinakda ang unang pagdinig sa kaso nito sa Pebrero 8.

Magugunita na naaresto ng pulisya si Soriano sa isang entrapment operations sa Quezon City. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ANIYA

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELLEN FERNANDO

GUILLERMO HERNANDEZ JR.

MARTIN SORIANO

QUEZON CITY

RENATO SAMONTE

SORIANO

STATE PROSECUTOR IRWIN MARAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with