Kamara binanatan sa paruba ng 2% VAT hike
January 30, 2005 | 12:00am
Kinondena ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang pag-apruba ng panukalang dagdag na 2% Value Added Tax (VAT) sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil hindi lamang middle class at upper class na produkto ang maaapektuhan kundi maging ang pangunahing bilihin.
Sa pahayag ni Ka Willy Marbella, spokesperson ng KMP na nakakaalarma umano na pati ang pangunahing pagkain ng Pinoy na bigas ay maaapektuhan din ng VAT.
Itoy kasunod nang magdeklara ang National Food Authority (NFA) na magtataas ng hanggang 10% ang palay at 5% naman sa pag-aangkat ng bigas.
Ngunit ayon sa KMP, hindi nangangahulugan na kapag nagtaas ang presyo ng palay ay tataas na rin ang presyo ng bigas.
Lumalabas na ang pinakamataas na presyo ng palay sa kanayunan ay P7-P9 habang ang pinakamababang presyo ng bigas sa pamilihan ay P18.
Ayon sa grupo, ang pagsusulong ng karagdagang VAT ay maaaring samantalahin ng mga negosyante sa pagtataas na rin ng presyo ng bigas.
Maaari umano nilang ikatuwiran na dahil na rin sa dami ng proseso para maging bigas ang palay ay dapat na ring taasan ang halaga nito.
Samantala, nagpahayag ng pagsuporta ang grupong Masa ng Bansa at Kaisambayan na pinamumunuan nina Fortin Yabut at Mila Suarez sa pagtaas ng buwis kung malilibre sa VAT ang mga pagkaing binibili ng masa.
Nagpahayag ng kahandaan ang dalawa na manawagan sa Senado para malibre sa 2% VAT ang noodles, sardines, gatas ng sanggol, bigas, asukal, at tinapay gaya ng pandesal.
Sinabi ni Yabut na pabor siya sa dagdag na VAT para mapanatili ng gobyerno ang mahusay na serbisyo sa masa.
Iginiit naman ni Suarez na kung makakalikom ng dagdag na buwis ang gobyerno ay mapapahusay ang kalagayang pananalapi ng pamahalaan nang hindi masyadong naapektuhan ang mahihirap.
Handa namang makipagtulungan ang Kilusang Mayo Uno sa oposisyon sa inilunsad nilang Peoples Congress laban sa dagdag na VAT.
Sinabi ng KMU na sasali sila sa Peoples Congress kung ito ang nalalabing paraan para maihayag nila ang kawalan ng kasiyahan sa VAT.
Inaasahan ng KMU na ang mga senador na kontra sa VAT ay matatag na maninindigan laban sa isyu dahil ito ay lalong magdaragdag ng pahirap sa masa. (Ulat nina Doris Franche/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended