Sa 26-pahinang petition for review na isinumete ni Senot at ng kasamahan nitong petitioner na si BFP Finance Service Unit chief Florante M. Cruz sa CA, hiniling nila na ipawalangsaysay ang desisyon ng Ombudsman na nag-aatas na sibakin sila sa tungkulin dahil sa umanoy kasong kriminal na kanilang kinakaharap. Batay sa unang desisyon ng Ombudsman, napatunayan na sina Senot at Cruz ay guilty sa mga kasong dishonesty, grave misconduct at conduct unbecoming of a public officer.
Bunga nito, sinabi ng Ombudsman na dapat lamang na mapatawan ng parusang pagkakasibak sa posisyon sina Senot at Cruz at hindi pinapayagan na makuha ng mga ito ang kanilang retirement benefits at pinagbabawalan na makapasok pang muli sa anumang tanggapan ng gobyerno. Umabuso umano ang Ombudsman sa pagpapalabas ng nasabing desisyon. (Ulat ni Grace dela Cruz)