^

Bansa

Utos na pagsibak sa BFP chief pinababasura

-
Hiniling ni Bureau of Fire Protection (BFP) acting chief Francisco Senot sa Court of Appeals (CA) na ibasura nito ang desisyon ng Ombudsman laban sa kanya.

Sa 26-pahinang petition for review na isinumete ni Senot at ng kasamahan nitong petitioner na si BFP Finance Service Unit chief Florante M. Cruz sa CA, hiniling nila na ipawalangsaysay ang desisyon ng Ombudsman na nag-aatas na sibakin sila sa tungkulin dahil sa umano’y kasong kriminal na kanilang kinakaharap. Batay sa unang desisyon ng Ombudsman, napatunayan na sina Senot at Cruz ay guilty sa mga kasong dishonesty, grave misconduct at conduct unbecoming of a public officer.

Bunga nito, sinabi ng Ombudsman na dapat lamang na mapatawan ng parusang pagkakasibak sa posisyon sina Senot at Cruz at hindi pinapayagan na makuha ng mga ito ang kanilang retirement benefits at pinagbabawalan na makapasok pang muli sa anumang tanggapan ng gobyerno. Umabuso umano ang Ombudsman sa pagpapalabas ng nasabing desisyon. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

BATAY

BUNGA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

COURT OF APPEALS

CRUZ

FINANCE SERVICE UNIT

FLORANTE M

FRANCISCO SENOT

HINILING

SENOT

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with