2 Hapones na nanloko sa 10 Pinay entertainers ipinatapon
January 9, 2005 | 12:00am
Dalawang Hapones na tinaguriang "undesirable alien" ang ipinatapon ng Bureau of Immigration (BI) matapos na makapanloko ng 10 Pinay entertainers.
Kinilala ni Immigration Commissioner Alipio Fernandez, Jr ang mga ipinatapon na sina Motohiko Haga at Hiroki Ogino, kapwa tubong Nagoya, Japan at pansamantalang naninirahan sa Makati City.
Ang mga nabanggit na dayuhan ay pormal na inireklamo ng mga kasong estafa at illegal recruitment ng mga aplikanteng Pinay papuntang Japan.
Mabilis ang ipinalabas na kautusan ni Fernandez kay Ferdinand Sampol, Immigration head supervisor sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para ipatupad ang pagpapatapon kina Haga at Ogino.
Ayon naman kay Sampol, bukod sa deportasyon, ang pangalan ng dalawang Hapones na itinuturing na hindi karapat-dapat sa pagtitiwala ng mga Pinoy ay ilalagay din sa blacklist order ng mga dayuhang hindi na pahihintulutan na muling makatapak sa bansa.
Kasamang iniskortan ng BI agents at operatiba ng Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force (PAIRTF) na pinamumunuan ni Dir. Reynaldo Jaylo sina Haga at Ogino pasakay ng Japan Airlines flight patungong Tokyo, Japan dakong alas-8:20 ng umaga kahapon.
Nabatid na ang dalawang Japanese illegal recruiter ay dinakip nitong nagdaang taon dahil na rin sa reklamong inihain ng mga nalokong Pinay entertainers.
Isa sa mga biktima na nakilalang si Carol Banarez ng Davao City ang nagsabing sina Haga at Ogino ay nag-obligang pagbayarin sila ng P350,000 bawat isang entertainer applicants bilang placement fee para lamang makapagtrabaho sa Nagoyo, Japan.
Kaugnay nito, sinabi ni Fernandez na walang karapatang pumasok sa Pilipinas ang mga banyagang gaya nina Haga at Ogino na nagtataglay ng "utak kriminal" na umaapi sa mga Pinay. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 9 minutes ago
By Doris Franche-Borja | 9 minutes ago
By Ludy Bermudo | 9 minutes ago
Recommended