3 hukom kinastigo ng SC
December 26, 2004 | 12:00am
Tatlong hukom ang dinisiplina ng Supreme Court (SC) matapos na mapatunayang nagpabaya sa kanilang tungkulin.
Kinilala ang tatlong judge na sina Sotero A. Navarro ng Cebu City MTCC Branch 6, Jose Bersales ng General Santos City MTCC Branch 2 at Antonio J. Fineza ng Caloocan Regional Trial Court Branch 131.
Si Navarro ay sinampahan ng kasong administratibo sa Office of the Court Administrator (OCA) dahil sa umanoy pag-aantala sa pagbibigay ng hustisya ng isang Peter Ristig, isang German national.
Inireklamo ni Ristig si Navarro dahil sa pag-aantala umano sa paglilitis sa kasong kriminal kung saan siya ang pribadong offended party.
Natuklasan namang guilty si Bersales ng gross ignorance of the law dahil sa pagpayag na makapagpiyansa ang isang akusado sa dalawang drug cases nang walang notice at hearing kayat nabalewala ang oportunidad ng prosekusyon na makapagpahayag ng kanilang panig ukol dito.
Samantalang si Fineza ay napatunayang guilty sa gross violation ng Code of Judicial Conduct dahil sa pagsasabi ng mga bulgar, pagmumura at nakai-insultong salita sa abogadong si Antonio D. Seludo. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest