Dagsa pa rin ang sumisilip kay FPJ
December 20, 2004 | 12:00am
Patuloy ang pagdagsa ng tao na sumisilip sa labi ni Fernando Poe Jr. na nakaburol sa Sto. Domingo Church sa Quezon City at inaasahang lalong dadagsa ito bago ilibing si Da King sa Disyembre 22.
Ayon kina House Minority Leader Francis Escudero at pamangkin ni FPJ na si Renzo Cruz, baka umabot na sa 2 milyon ang mga dumalaw at sumilip na sa labi ni Da King.
Inaasahan nila na aabot naman sa kalahating milyon ang makikipaglibing kay Da King sa Disyembre 22.
Personal namang binisita ni Ms. Susan Roces ang paglilibingan ni FPJ sa Poe mousoleum sa Manila North Cemetery sa Disyembre 22 matapos tanggihan ang alok ng pamahalaan na ilibing ito sa Libingan ng mga Bayani.
Nakiusap naman ang maybahay ni FPJ sa mga dadalo sa libing na huwag haluan ng pulitika at panggugulo ang paghahatid kay Da King sa huling hantungan at pabayaan na lamang na maging tahimik ang kaluluwa nito.
Samantala, sinabi naman ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na kahit hindi pumasok sa pulitika si Ms. Susan Roces ay puwede siyang pumalit kay FPJ bilang spokesperson ng maralita.
Iginiit naman ni Mrs. Poe na wala siyang balak sa pulitika pero itutuloy niya ang anumang ginagawang pagtulong ng kanyang yumaong kabiyak sa mga mahihirap. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 11 hours ago
By Doris Franche-Borja | 11 hours ago
By Ludy Bermudo | 11 hours ago
Recommended