^

Bansa

Kuwait border isinara

-
Minabuti ng Kuwait government na isara ang kanilang border upang maiwasan ang pagpupuslit ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) patungo sa bansang Iraq.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang pagsasara sa Kuwaiti border ay limitado lamang sa mga OFW’s upang maiwasang maulit ang nangyari sa 2 OFW’s na nakapuslit patungong Iraq.

Sinabi ng OWWA, minabuti ng isara ang border papasok ng Iraq para hindi na maulit ang nangyari kina Angelo dela Cruz at Angelito Tarongoy na pawang dinukot ng mga Iraqi rebels.

Sinang-ayunan ng OWWA ang naging desisyon ng Kuwait government na pansamantalang isara ang kanilang border upang hindi makapuslit ang mga OFW’s na nagpupumilit magtungo sa Iraq gayung delikado pa rin ang sitwasyon dito.

Umaasa naman ang OWWA na muling makakapagtrabaho ang mga OFW’s sa Iraq sa sandaling bumalik sa normal ang sitwasyon dito. (BQuejada)

ANGELITO TARONGOY

ANGELO

AYON

CRUZ

KUWAITI

MINABUTI

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

QUEJADA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with