Pumatay sa among Intsik arestado
December 19, 2004 | 12:00am
Naaresto ng Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) ang isang dating OFW na pumatay sa kanyang mag-asawang among Intsik matapos ang isang taong pagtatago sa Ilocos Norte.
Kinilala ni PCTC executive director Ricardo de Leon ang naarestong suspect na si Magno Cruz Halili, 34, dating domestic helper sa Hong Kong at residente ng Arayat, Pampanga. Nakatakdang iturn-over ng PCTC sa Hong Kong Interpol si Halili sa pamamagitan ng 1-24/7 Network.
Batay sa record, sinaksak at napatay ni Halili ang kanyang mga among sina Ng Ka-mong at Sun King-man noong Abril 12, 2003 matapos hindi siya pautangin ng mga ito. Matagal na umanong naglilingkod bilang domestic helper si Halili sa kanyang amo sa Hong Kong.
Nadiskubre ang bangkay ng mag-asawang Intsik 3 araw matapos ang krimen sa tahanan ng mga ito sa No.151 Pail Tau village, Shatin, Hong Kong habang mabilis namang nakauwi ng Pilipinas si Halili.
Ang 1-24/7 Network ay konektado sa 182 member countries na naglalaan ng seguridad at unique law enforcement tool upang makakuha ng mabilis na impormasyon sa database na naglalaman ng mga kritikal na impormasyon ng buong mundo sa pagtutulungan ng mga awtoridad nationwide. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest