^

Bansa

'FPJ' paborito ng mga Hapones

-
Kyoto, Japan-Maging sa bansang ito ay popular si "FPJ" at paborito ng mga Hapones.

Pero ang FPJ na paborito ng mga Hapones ay hindi ang yumaong si Fernando Poe Jr. na ngayon ay ipinagluluksa ng mga Pilipino.

Ayon kay Yukihiro Iwata, vice-president ng Society of Associated Promoters for OPA’s Welfare, ang paborito ng mga kliyente nilang Hapones na FPJ sa mga clubs dito ay hindi ang nakilalang artistang si Fernando Poe Jr. na maraming pinatay na Japanese Imperial Army sa mga pelikula.

Ang paborito ng mga Hapones na kliyente sa ibat ibang night spots dito na FPJ ay hindi si Fernando Poe Jr. kundi ang "Filipinas Punta Japan" na mga Overseas Performing Artists (OPA’s).

Sinabi ni Iwata, masakit kasi sa tainga ang dating bansag sa mga OPA’s na "Japayukis" kaya tinawag ng kanilang mga Japanese clients ang mga ito na FPJ.

Mariing itinanggi din ni Iwata na 25-taong nasa club business dito sa Japan na ang may 80,000 OPA’s o FPJ’s dito ay nagsisilbi bilang mga prostitutes bagkus sila ay nagtatrabaho dito ng marangal bilang mga singer, dancers at entertainers.

"Filipinas di trabaho dito para puta, they earn money as a decent worker," wika pa ni Iwata.

Nakikiisa ang grupo ni Iwata sa mga OPA’s na huwag munang ipatupad ang bagong immigration laws kung saan ay maghihigpit sa mga foreign workers na makapasok sa Japan.

Idinagdag pa ni Iwata, patuloy na tatangkilikin ng mga Japanese clients ang mga FPJ’s kaya dapat tulungan ng Philippine government ang mga OPA’s na nagre-remit ng bilyong dolyar sa bansa taun-taon. (Ulat ni Marichu Villanueva)

FERNANDO POE JR.

FILIPINAS PUNTA JAPAN

FPJ

HAPONES

IWATA

JAPANESE IMPERIAL ARMY

MARICHU VILLANUEVA

OVERSEAS PERFORMING ARTISTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with