Una nang ipinag-utos ni DILG Sec. Angelo Reyes na imbestigahan sina PNP Region 4-B C/Supt. Alejandro Lapinid, Gov. Nene Sato, San Jose Mayor Moloy Festin at isang Col. Atienza dahil sa nagaganap na dalawang beses kada araw na bolahan ng number games sa kanilang nasasakupan.
Ito ay bunsod na rin sa paglutang ng mga umanoy jueteng operators na sina Maxi Gonzales at Alex na siyang may hawak sa bayan ng San Jose, Magsaysay, Rizal, Calintaan, Sta. Cruz, Mamburao at Abra de Ilog ng Mindoro Occidental.
Tiniyak naman ni Reyes na ang kanyang banta ay hindi limitado sa Mindoro Occidental lamang kundi sa mga lugar na mayroon pa ring ilegal na sugal na umanoy ginagawang sangkalan pa ang ilang lokal na opisyal upang malayang mag-operate ng nasabing sugal.
Sinabi pa ni Reyes na ang malawakang pagsugpo sa ilegal na sugal ay bunsod na rin sa kautusan ni Pangulong Arroyo para sa jueteng free na bansa. (Ulat ni Doris Franche)