Sa isang emergency session, inihayag ni Makati City Mayor Jejomar Binay na aampunin ng Makati ang nabanggit na lungsod dahil sa sinapit nitong kalamidad.
Bukod sa P8 milyon, inimpormahan ng pamahalaang lungsod si Gov. Tomas Joson III na handa itong magbigay ng mga puno at buto para sa kanilang reforestation program.
Ayon kay Binay, dapat na bigyan ng prayoridad ng mga lokal na pamahalaan ang problema sa nakakalbong mga bundok dahil ito ang pangunahing sanhi ng pagbaha at landslides na pumapatay ng daan-daang katao katulad ng naganap sa Nueva Ecija at ibang bahagi ng Central at Southern Luzon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)