^

Bansa

Osama bin Laden nagbanta uli ng pag-atake sa US

-
Muling lumutang ang international terrorist leader na si Osama bin Laden at nagbantang muling maghahasik ng terorismo sa buong mundo ang kanyang grupong Jemaah Islamiyah sa ilalim ng Al Qaeda Network kung saan target muli nilang atakihin ang Estados Unidos.

Inamin din ni bin Laden sa unang pagkakataon ng lumabas sa Al Gazeera television network na sila ang may kagagawan ng pagpapasabog sa World Trade Center sa New York noong Sept. 11.

Nagbanta pa ang international terrorist leader na ang inihahanda nilang pag-atake sa Estados Unidos ay kasing bigat ng ginawa nilang pambobomba sa World Trade Center.

Ikinagalit ni bin Laden ang patuloy na paglabag ng US sa umiiral na Israel at Middle East policy.

Ginawa ni bin Laden ang pagbabanta ng muling paghahasik ng terorismo habang abala si US President George W. Bush sa pangangampanya sa nalalapit na presidential election nitong November.

Kaugnay nito, inalerto ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ating mga embahada partikular sa US upang gumawa ng mga hakbang para masiguro ang kaligtasan ng mga Filipino na nasa Estados Unidos at iba pang panig ng mundo dahil sa bantang paghahasik ng terorismo ng grupo ni bin Laden. (Ulat ni Ellen Fernando)

AL GAZEERA

AL QAEDA NETWORK

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

JEMAAH ISLAMIYAH

MIDDLE EAST

NEW YORK

PRESIDENT GEORGE W

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with