Paglilipat kay Gen. Garcia sa V. Luna inutos na ng AFP
October 17, 2004 | 12:00am
Nagpalabas na kahapon ng direktiba si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Narciso Abaya para sa mabilisang paglilipat sa kontrobersiyal na si dating AFP-Comptroller Major Gen. Carlos Garcia na inakusahang nagtataglay ng $1.7 M tagong yaman mula sa UST Hospital patungong V. Luna Medical Center sa Quezon City.
"He will be transferred once his (Garcia) health will allow it," pahayag ni AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero kung saan idedetermina ni AFP Surgeon General Brig. Gen. Rafael Regino kung maayos na ang kondisyon ng akusadong heneral.
Hanggang kahapon ay nananatili pa rin sa UST Hospital ang 55 anyos na si Garcia na dumaraing ng paninikip ng dibdib, high blood pressure, di mapagkatulog at hirap sa paghinga.
Si Garcia na posibleng maharap sa kasong plunder ay haharap rin sa Court Martial ng AFP kaugnay ng kasong "dishonesty, conduct unbecoming of an officer and a gentleman, fraud against the government at conduct prejudicial to good order and military discipline".
Sinabi ni Lucero na ang kautusan ng Chief of Staff ay kaagad nilang ipatutupad .
Nilinaw pa ni Lucero na wala sa kanilang plano na bigyang proteksiyon at pagtakpan ang kaso ni Garcia.
Kaugnay nito, nakahanda naman si Abaya na humarap sa imbestigasyon ng mga mambabatas hinggil sa isyu ng korapsiyon sa AFP.
Maliban kay Abaya ay lima pang dating Chief of Staff ng AFP na pinagsilbihan ni Garcia ang iimbestigahan rin sa naturang anomalya. (Ulat ni Joy Cantos )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended