^

Bansa

Hagedorn nag-'tipid gas' na rin

-
Pati si Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn ay napahanga na rin sa Pinoy gas saving device at personal itong nagpakabit para sa kanyang ‘luxury car’ na Ford Expedition noong nakalipas na Linggo.

Personal na nagtungo sa tanggapan ng Inventionhaus International sa President Tower sa Timog Avenue, Quezon City si Hagedorn para saksihan kung paano ikinakabit ang nakakahangang gas-saving device sa kanyang sasakyan.

Ayon sa mayor na minsan nang naisapelikula ang buhay, simula nang mabalitaan niya ang galing at husay ng Khaos Super Turbo Charger (KSTC) ay nagplano na kaagad siyang magpakabit nito.

Ang KSTC (www.khaos.com.ph) ay maipagmamalaki aniya hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo dahil sa laki ng tulong nito na magpatipid sa konsumo ng panggasolinang sasakyan, gayundin sa pagiging ‘zero pollution’ nito.

Lalo pang naengganyo si Hagedorn nang magpakabit ng ‘turbo’ sina Energy Sec. Vince Perez at DENR Sec. Mike Defensor.

Ang dalawang opisyal ay kapwa nakasaksi kung gaano kaepektibo ang imbensiyon ni Pablo Planas. Nagpakabit si Perez ng KSTC sa kanyang Honda Accord na sasakyan, habang isang DENR ‘staff car’ naman ang pinakabitan ni Defensor.

Kapwa rin nagpahayag ng suporta ang dalawang sekretaryo na nagsabi pang darating ang araw ay ‘ilalako’ na rin sa abroad ang naturang tipid-gas gadget.

Sa punto ni Hagedorn, naniniwala rin siyang magiging ‘patok’ sa kanyang probinsiya ang KSTC.

Binigyang-diin naman niya na sulit ang ibinayad niyang P6,500 kung pagtitipid sa gasoline at pagtatanggal ng usok ng sasakyan ang pag-uusapan.

ENERGY SEC

FORD EXPEDITION

HAGEDORN

HONDA ACCORD

INVENTIONHAUS INTERNATIONAL

KHAOS SUPER TURBO CHARGER

MIKE DEFENSOR

PABLO PLANAS

PRESIDENT TOWER

PUERTO PRINCESA MAYOR EDWARD HAGEDORN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with