Mga barko ng Super Ferry pasasabugin
October 13, 2004 | 12:00am
Nagbanta kahapon ang Abu Sayyaf Group (ASG) na kanilang pasasabugin ang lahat ng barko ng Super Ferry WG&A na naglalayag sa ibat ibang lalawigan sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Commodore Wilfredo Tamayo ng Philippine Coast Guard-National Capital Region matapos na makatanggap ang kanilang tanggapan ng kopya ng liham ng ASG na ipinadala sa WG&A na nagsasaad ng kanilang malawakang pag-atake.
Nakasaad sa sulat na kailangang magbigay ng $1 milyon ang nasabing pamunuan sa loob ng dalawang linggo mula ngayong araw kapalit ng planong pagpapasabog sa mga barko ng Super Ferry.
Ayon kay Tamayo, ang terrorist attack ay bilang ganti umano ng ASG sa pamunuan ng WG&A dahil sa paghahain ng demanda laban sa kanila ng shipping company matapos ang malagim na trahedya sa pagkakasunog ng Super Ferry 14 noong Pebrero 2004 sanhi ng pagkamatay ng mahigit 100 katao, 44 nawawala at maraming nasugatan. (Ulat ni Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended