^

Bansa

Cardinal Sin 50/50

-
Nasa kritikal na kalagayan matapos na isinugod kahapon sa Cardinal Santos Hospital sa San Juan si dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin makaraan umanong makaramdam ng pananakit ng dibdib o ma-heart attack.

Sa ulat na nakarating sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP), nabatid na ganap na alas-5:35 ng hapon nang isugod sa nasabing pagamutan ang dating arsobispo ng Maynila.

Base sa ulat, agad na ipinasok sa Intensive Care Unit (ICU) si Sin makaraang mabatid na malubha ang kanyang kalagayan nang umatake umano ang sakit nito sa puso.

Ayaw namang magbigay ng iba pang impormasyon ang mga doktor sa naturang ospital maliban lamang sa pagsasabing ginagawa nila ang lahat para makaligtas at maisalba ang kanyang buhay.

Nauna rito, ilang beses na ring naratay si Sin dahil sa panghihina ng kanyang kalusugan bunga na rin ng nasabing sakit.

Sa ngayon ay hinihiling ng pamunuan ng CBCP na ipagdasal ang arsobispo para sa kanyang mabilis na kagalingan.

Si Sin ay itinuturing na "makapangyarihan" sa larangan ng pulitika at sinusunod halos lahat ng Katoliko ang kanyang mga pangaral at panawagan.

Isa siya sa nanguna sa pakikibaka hanggang sa mapatalsik sa kapangyarihan ang dating diktadurang Marcos at naging malapit siya sa liderato nina dating Pangulong Fidel V. Ramos at Corazon Aquino.

Siya rin ang isa sa mga maimpluwensiyang personalidad upang tumuligsa sa pamamalakad ni dating Pangulong Joseph Estrada.(Ulat ni Mer Layson)

vuukle comment

CARDINAL SANTOS HOSPITAL

CATHOLIC BISHOP CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CORAZON AQUINO

INTENSIVE CARE UNIT

MANILA ARCHBISHOP JAIME CARDINAL SIN

MER LAYSON

PANGULONG FIDEL V

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SAN JUAN

SI SIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with