^

Bansa

P700-M kontrata sa LRTA, nakopo ng anak ni Bro. Mike

-
Demoralisado ang mahigit isang libong kawani ng Light Rail Transit Authority (LRTA) kaugnay ng kakaibang pabor na nakukuha ng pamilya ni El Shaddai leader Brother Mike Velarde para sa operasyon ng mass transit sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Ayon sa mga kawani na tumangging ipabanggit ang pangalan, monopolyo ni Dr. Frank Velarde ang supply ng spare parts sa LRT na nagkakahalaga ng P700 milyon kada taon.

Si Dr. Velarde ay anak ni Bro. Mike na sinasabing nakapag-ambag ng malaki sa botong nakuha ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa nakaraang eleksiyon. Bilang pagtanaw ng utang na loob, itinalaga ni GMA si Mel Robles, tumatayong spokesman ni Velarde na administrator ng LRTA.

Sinabi ng source na ang anak ng charismatic leader ang kumakatawan sa contractor na Bombardier na pag-aari ng Belgium company.

"Ibang-iba na ang nangyayari sa LRT ngayon. Naging El Shaddai country na magmula nang dumating si Robles. Kulang na lamang magtaas kami ng itlog at magpayong nang pabaligtad para matawag na kaming El Shaddai transit," pahayag ng mga umaalmang kawani.

Nagbanta pa ang mga empleyado ng LRTA na magsasagawa sila ng work stoppage kahit "ginagapang" ni Robles ang ilan sa kanilang mga lider-manggagawa. (Doris Franche)

vuukle comment

BROTHER MIKE VELARDE

DORIS FRANCHE

DR. FRANK VELARDE

DR. VELARDE

EL SHADDAI

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MEL ROBLES

METRO MANILA

NAGING EL SHADDAI

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with