^

Bansa

‘Case fixing’ sa CA ibubunyag

-
Papangalanan ang mga nagsisilbing fixers at extortionists na kabilang sa sindikato ng "case fixing" sa Court of Appeals (CA) kasunod ng pagkakahuli sa isang empleyado nito na naaresto sa entrapment operation.

Ito ang isinasaad sa 5-pahinang kautusan ni CA Presiding Justice Cancio Garcia bago pa siya tuluyang manumpa bilang bagong hirang na mahistrado sa Supreme Court.

Isang Ad Hoc committee ang binuo ni Garcia na kinabibilangan ng mga CA justices upang mag-imbestiga sa sinasabing sindikato sa loob ng appellate court matapos ang pagkakadakip sa kawaning si Elvira Cruz-Apao matapos ang isinagawang entrapment operation ng mga ahente ng PACER sa isang fastfood chain sa UN Ave., Manila noong Setyembre 28 makaraang manghingi umano ito ng halagang P1 milyon sa isang litigant kapalit ng pabor na desisyon ng korte sa isang malaking kaso. Nakuha kay Apao ang P100,000 marked money.

Naniniwala ni Garcia na hindi lang si Apao ang gumagawa ng nasabing case fixing kundi mayroong sindikato sa loob ng CA na pinagkakakitaan ang nasabing ilegal na aktibidad.

Bukod kay Apao na posibleng irekomendang kasuhan ng administratibo, pinatutukoy pa sa komite ang iba pang opisyal at kawani na sangkot sa pagbebenta ng kaso.

Binigyan lamang ng 20-araw ni Garcia ang komite upang tapusin at irekomenda ang resulta ng imbestigasyon. May kapangyarihan din ang komite na ipatawag ang mga akusado, suspek at testigo, alinsunod sa Section 37, Chapter 8, Book 1 ng Administrative Code of 1987. (Ludy Bermudo)

ADMINISTRATIVE CODE

APAO

BINIGYAN

COURT OF APPEALS

ELVIRA CRUZ-APAO

GARCIA

ISANG AD HOC

LUDY BERMUDO

PRESIDING JUSTICE CANCIO GARCIA

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with