3 opisyal ng KMG sa GSIS, sinipa!
October 11, 2004 | 12:00am
Sinibak ng mga manggagawa ng Government Service Insurance System (GSIS) ang tatlong bagong talagang opisyal ng kanilang unyon na Kapisanan ng mga Manggagawa (KMG) makaraang madiskubre ang anilay pagbaligtad at pangta-traydor ng mga ito.
Ang mga sinipa ay sina Atty. Joseph Fellazar, acting president ng KMG; spokesman na si Robert Ibasco at Leonila Fulatan, secretary general ng nasabing unyon.
Base sa ipinalabas na declaration of no confidence and petition for recall na nilagdaan ng may 90% miyembro ng unyon, hindi nila kinikilala ang pagkakatalaga sa mga nabanggit na opisyal at iginiit na ibalik ang pinatalsik na si KMG president Atty. Albert Velasco.
Nakasaad sa petition na dapat lamang na ibalik sa puwesto si Velasco dahil pawang harassment ang ginawa sa kanya ng pamunuan ni GSIS president at general manager Winston Garcia na anilay kapit-tuko sa puwesto sa kabila ng kaliwat kanang panawagan na siya ay magbitiw bunga ng katiwalian. Inakusahan din ng mga manggagawa ang tatlong nabanggit na opisyal na "pakawala" lamang ni Garcia at nagpapanggap bilang "boses" ng KMG upang tiktikan ang galaw ng nasabing unyon.
Ayon kay Velasco, magpapatuloy ang kanilang isasagawang kilos-protesta upang mapatalsik si Garcia sa kabila ng pagbibingibingihan ni Pangulong Arroyo.
Ngayong araw ay magsasagawa ng kilos-protesta ang grupong COURAGE sa pamumuno ni Ferdinand Gaite at tutungo sa Office of the Ombudsman upang maghain ng panibagong kasong graft laban kay Garcia. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended