Impeach Davide, hirit uli
October 11, 2004 | 12:00am
Nanganganib na muling buhayin ang impeachment laban kay Chief Justice Hilario Davide at iba pang mahistrado ng Korte Suprema na binabalak ihain ng Phil Association of Water Districts Inc., (PAWDI).
Ang hakbang na ito ng pamunuan ng PAWDI ay may kinalaman umano sa kinolektang P400 milyon ng Commission on Audit (COA) sa may 628 na local water districts sa bansa.
Ang nasabing halaga na kinukuwestiyon ngayon ng pamunuan ni Engr. Ranulfo "Noli" Feliciano PAWDI national president ang posibleng dahilan upang ideklara ng Korte Suprema ang lahat ng local water district sa bansa bilang government owned and controlled corporations o GOCCs at dahil dito ay direktang bubuwisan ng pamahalaan.
Mayroong ipinahihiwatig ang pamunuan ng PAWDI na lumilitaw na nagkaroon umano ng scratch my back and Ill scratch your tactics sa pagitan ni Davide at ng COA chief na si Guillermo Carague.
Matatandaan na una ng isinulong ang impeachment kontra kay Davide kaugnay ng mga kaduda-dudang paglustay umano nito ng pondo, ngunit ito ay nabigo makaraang klaruhin ng COA sa pamamagitan ni Carague ang pangalan ng Punong Mahistrado.
Sa isang panayam kay Engr. Feliciano ay sinabi nito na dismayado sila sa desisyong ipinalabas ng korte noong Jan. 14, 2004 na inilarawan niya ito na "hindi makatao, punong-puno ng pulitika, oportunismo at pananamantala."
Ipinaliwanag ni Feliciano na siya ding general manager ng Leyte Metro Water district na kasalukuyan na silang nakikipag-usap sa kanilang mga abogado para pag-aralan ang pagsasampa ng impeachment complaint laban sa mga mahistrado ng Mataas na Hukuman at hiwalay na kaso kay Carague.
Dahilan sa nasabing SC ruling ay nanganganib na tumaas ng higit sa 200% ang babayaran sa tubig ng may 25 milyong subscribers sa buong bansa at ito ay ipatutupad bago matapos ang buwan ng Oktubre.
Ang mataas na singil sa tubig ay bunsod na rin ng pagpapataw ng buwis sa mga LWDs kabilang na ang pagbibigay obligasyon dito bunga ng desisyon ng Korte Suprema na i-remit nila ng 50 percent ng kanilang kinita sa loob ng isang taon sa national government.
Ang mga pagbaba-gong ito na nakatakdang maganap sa buwang ito ay labag umano sa PD 198 na lumikha ng lahat ng local water districts para pagkalooban ng serbisyo ang publiko (lalawigan) tulad ng halos libreng supply ng tubig.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended