Ayon kay GSIS spokesman at legal Estrella Elamparo, nabulabog ang mga sindikatong nambibiktima sa GSIS members dahil sa isinagawang reporma ni GSIS president at general manager Winston Garcia.
"These racketeers have been engaged in the nefarious practice of claiming the pension of long-deceased members of the GSIS and taking out loans using the identities of unsuspecting members. With reforms instituted in the GSIS by the incumbent leadership, these racketeers have come to realize that their happy days are numbered," wika ni Elamparo.
Kabilang sa priority reforms ni Garcia ang computerization ng records ng GSIS na naglalayong mapaganda pa at lalong mapabilis ang pagbibigay serbisyo sa may 1.5 milyong miyembro ng GSIS at masawata ang samut saring gimik o raket.
Matatandaan na noong isang linggo ay sinampahan ng GSIS ng kasong plunder ang apat nitong opisyal na nakabase sa Tarlac kaugnay ng umanoy pakikipagsabwatan nila sa isang private developer para maonse ng P413 million ang GSIS Bahay Ko Program.
Sinabi ni Elamparo na sa pagnanais ng mga sindikato na manatiling gatasan nila ang GSIS, lumilitaw na nakikipagsabwatan na ito sa ilang interest group na nauna nang nabulgar na nagnanais mapatalsik si Garcia sa GSIS upang maisakatuparan nila ang pagkuha ng reinsurance ng GSIS para sa Napocor.
Ang sindikato na pinagsususpetsahang may kakutsaba sa loob ng GSIS ay nakikipagtulungan rin daw sa ilang discredit leaders ng GSIS union laban kay Garcia. (Ulat ni Ellen Fernando)