^

Bansa

NBI pasok vs sindikato sa GSIS

-
Hihingin ng Government Service Insurance System (GSIS) ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) upang masakote ang mga miyembro ng ilang sindikato na kung ilang dekada nang nambibiktima ng GSIS members sa pakikipagsabwatan sa ilang tiwaling empleyado ng state pension fund.

Ayon kay GSIS spokesman at legal Estrella Elamparo, nabulabog ang mga sindikatong nambibiktima sa GSIS members dahil sa isinagawang reporma ni GSIS president at general manager Winston Garcia.

"These racketeers have been engaged in the nefarious practice of claiming the pension of long-deceased members of the GSIS and taking out loans using the identities of unsuspecting members. With reforms instituted in the GSIS by the incumbent leadership, these racketeers have come to realize that their happy days are numbered," wika ni Elamparo.

Kabilang sa priority reforms ni Garcia ang computerization ng records ng GSIS na naglalayong mapaganda pa at lalong mapabilis ang pagbibigay serbisyo sa may 1.5 milyong miyembro ng GSIS at masawata ang samu’t saring ‘gimik’ o raket.

Matatandaan na noong isang linggo ay sinampahan ng GSIS ng kasong plunder ang apat nitong opisyal na nakabase sa Tarlac kaugnay ng umano’y pakikipagsabwatan nila sa isang private developer para maonse ng P413 million ang GSIS Bahay Ko Program.

Sinabi ni Elamparo na sa pagnanais ng mga sindikato na manatiling gatasan nila ang GSIS, lumilitaw na nakikipagsabwatan na ito sa ilang interest group na nauna nang nabulgar na nagnanais mapatalsik si Garcia sa GSIS upang maisakatuparan nila ang pagkuha ng reinsurance ng GSIS para sa Napocor.

Ang sindikato na pinagsususpetsahang may kakutsaba sa loob ng GSIS ay nakikipagtulungan rin daw sa ilang discredit leaders ng GSIS union laban kay Garcia. (Ulat ni Ellen Fernando)

AYON

BAHAY KO PROGRAM

ELAMPARO

ELLEN FERNANDO

ESTRELLA ELAMPARO

GARCIA

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

GSIS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

WINSTON GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with