Ang kahilingan ay ipinaabot sa National Labor Relations Commission (NLRC) makaraang magdaos ng mapayapang demonstrasyon ang mga OFW na naging trabahador ng US Brown & Root Co., isa sa malahiganteng kompanya ng Halliburton Group na nakabase sa Middle East.
Kabilang sa umapela sa Arroyo administration para mabayaran ang lahat ng benepisyong hindi pa natatanggap sa ilalim ng US Social Security System sina Eduardo Espiritu, Maximo Talibsao, Delfin Victoria, Espiritu Munoz, Victorino Buan, Romeo Macaraig, Donato Evangelista, Oscar Austria, Moises Amutan, Ed Malapitan, Pedro "Pete" Salgatar, Juling Macatangay, Leonida Munoz Rico at Rosalina Constantino.
Ang 2,000 OFWs na trabahador simula pa noong 1984 ng nabanggit na kompanya ay may karapatang tumanggap ng benepisyo mula sa US Social Security System dahil sila ay kinaltasan ng premium payments at contributions.
Ayon kay OFWs lawyer Gerardo del Mundo, ang US social security benefits ay bahagi ng labor standards benefits kaya dapat na bayaran at ipadala sa Pilipinas. (Ulat ni Ellen Fernando)